Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto sa warning ni Duterte: Sana ma-gets ng Kamara

0 146

Umaasa si Senate President Vicente Sotto III na magkakasundo na liderato ng House of Representatives kasunod nang binitiwang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte Huwebes ng gabi.

“Well said. I hope the people he was pertaining to will get the message,” pahayag ni Sotto sa kanyang mensaheng pinadala sa mga reporter.

Pinuri ni Sotto ang pagbigay ni Duterte ng statement sa bangayan sa liderato sa Kamara na nagsulta sa bilang pagruba ng P4.5 trilyong panukalang 2021 budget sa second reading at suspensiyon ng sesyon bago pa ang recess ng 18th Congress.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kanyang speech, umapela si Duterte kina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na resolbahin ang kanilang giriin at ipasa nang legal ang pambasang budget.

“If you do not solve the problem, then I will solve the problem for you. Mamili kayo (You choose),” sabi ng Presidente.

Nauna nang sinabi ni Sotto ang biglaang suspensiyon ng sesyon ng Kamara at ang desisyon na ipasa ang General Appropriations Bill sa Nobyembre ay magpapa-delay ng isang buwan sa deliberasyon ng Senado sa panukalang budget.

Nangangamba pa ang mga senador na maaring magkaroon ng reenacted budget dahil sa ginawang hakbang ng Kamara. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.