Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto sabak sa Gilas

0 288

Kinumpirma ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) Miyerkoles ang pagdating sa linggong ito ni Kai Zachary Sotto upang maglaro sa Gilas Pilipinas sa International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 qualifier third window sa February 15-23 sa Angeles, Pampanga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasabay nito, may 15 Philippine Basketball Association (PBA) stars ang papasok na second batch para sa bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bukas.

Pero hindi kasama si June Fajardo ng San Miguel Beer kahit may go signal na sa kanyang doctor na maari nang magbalik. Ayaw sumugal ng big man mula sa injury na magpapakondisyon pa lang para sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa April 9 .(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.