Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto sasabak sa Knicks

0 102

Sisimulan ni Kai Zachary Sotto ang pangarap na maging unang homegrown talent na makapaglaro sa National Basketball Association (NBA) sa serye ng mga training camp sa 12 sa 30-team major league.

Pinost nitong isang araw ng 19-anyos at 7-3 ang taas na Pinoy cage phenom buhat sa Las Piñas, sa kanyang social media account na unang destinasyon niya ang New York Knicks kasunod ang 11 iba pa.

SM food to go Banner Ad

Asinta ni Sotto na makapagpakita ng impresibong laro kontra sa ibang mga aspirante na nagpalista para sa 76th NBA Draft 2022 sa Hunyo 23 sa Barclays Center sa Brooklyn, NY. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.