Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto: Sinong genius nambola sa face shield?

0 79

Tinatanong ngayon ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III kung sino ang nambola sa gobyerno para obligahin ang publiko na gumamit ng face shield kahit mayroon nang face mask bilang proteksyon sa COVID-19.

Ito’y matapos na makita ni Sotto ang report ng Department of Health (DOH) na isinumite sa Senado na nagpapakitang walang bansa sa mundo, maliban sa Pilipinas, ang nagmamandato sa mga mamamayan na gumamit ng face mask at face shield.

“It’s confirmed even from DOH records, no other country mandates the use of face shields on top of masks. It’s Either Or!” tweet ni Sotto noong Martes.

Sa report ng DOH, ang China at South Korea ay tanging face mask na lang ang pinasusuot sa kanilang mga residente.

Sa Malta at Oregon naman, mamimili lang kung face mask o visor/face shield ang isusuot at hindi ito pinagsasabay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa United Kingdom, tanging mga beautician, barbero, tattoo artist, photographer at ibang propesyon na kailangang lumapit sa publiko ang required mag-face shield.

“Sinong genius ang nambola sa gobyerno?” tanong ni Sotto. “Saan o sinong expert may sabi na dapat sabay?”

Sa kanyang `Talk to the People’ noong Lunes, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan pa rin magsuot ng face shield kapag lalabas ng bahay at sa loob ng mga establisimiyento katulad ng mall dahil na rin sa Delta variant na galing India.

Ang desisyon ng Pangulo ay base sa rekomendasyon sa kanya ng mga medical expert na nagsisilbing tagapayo ng pamahalaan ngayong may pandemya sa COVID-19. (Dindo Matining/Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.