Abante Tonite Interactive

Sotto sumegunda sa PDEA: ‘Wag ibigay kay Leni listahan ng high value target

591

Sinangayunan ni Senate President ­Vicente Sotto III ang ­ginawang pagtanggi ng Philippine Drug ­Enforcement ­Agency (PDEA) na ­ibigay kay Vice ­President Leni Robredo sa listahan ng kanilang high-value drug target.

“We should not ­telegraph our moves to the drug dealers,” ayon kay Sotto.
Nauna nang ­sinabi ni PDEA chief Aaron Aquino na hindi na kailangan ni ­Robredo na makakuha pa ang ­listahan ng mga high ­value target ­dahil ­hindi na ito bahagi ng ­kanyang ­mandato ­bilang ­co-chairperson ng ­Inter-Agency ­Committee on ­Anti-Illegal Drugs (ICAD).

“I know because I started the ­inter-agency concept with DDB [Dangerous Drugs Board] Director ­Manuel Supnet in 1989,” ayon kay Sotto.

Sinabi pa ni Sotto na ang listahan ng mga drug syndicate ay ­maaring mag-leak kung isusumite ito sa ICAD.

Nagbabala rin si ­Sotto sa media na ­huwag ilathala ang mga estratehiya at plano ng ICAD.

“ICAD should ­inform media when there are major achievements and accomplishments, not when planning strategies,” dagdag pa ni Sotto.

Nauna nang sinabi ni Aquino na hindi na kailangan ni Robredo na makuha ang ­listahan ng mga high-valued ­target para labanan ang iligal na droga.

Hindi rin umano ­batid ni Aquino kung bakit kailangan ni ­Robredo ang nasabing listahan.

“Why are you ­getting the list of drug addicts na you are just, iniisip ko kasi — kasi co-chairperson ko siya — just presiding a ­committee that is ICAD. Hindi ko maintindihan what is the list for, why is she asking all these things,” dagdag pa ni Aquino. (Juliet de ­Loza-Cudia)