Abante Tonite Interactive

Sotto tamang-duda kay Andaya sa Road Board abolition

By
0 144

Nagpahayag ng pangamba si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa ipinipilit na bicameral conference meeting para sa panukalang pagbuwag sa Road Board.

Ayon kay Sotto, posibleng ipitin ng mga kongresista ng panukala kung idadaan pa nila ito sa bicam.

Isa pa aniyang problema sa sandaling magdesisyon sila na magsagawa ng bicam ay kailangan pa nilang bawiin ang kanilang resolusyon na kanila nang ina-adapt ang bersyon ng Kamara sa abolition.

Bukod dito, nakapangangamba aniya ang mga amendment na nais ng mga kongre­sista sa kanilang sari­ling bersyon ng panukala.

“If we agree (bicam) we have to come up with a mechanism in the Senate to be able to resume consideration and recall the adoption of the House version. Medyo baka maging monkey wrench yan,” saad ni Sotto.

Sa ikli aniya ng panahon ng kanilang sesyon sa kanilang pagbabalik sa Enero 14 hanggang Pebrero 8, marami pa silang dapat talakayin bukod sa 2019 National budget at Road Board abolition.

Tiniyak naman ni Sotto na kanilang tatalakayin sa kanilang caucus sa Enero 14 ang schedule ng kanilang pagdinig sa panukalang budget at ang diskarte sa pagbuwag ng Road Board.

Itinutulak ng Kamara, sa pangunguna ni Majority Leader at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., na pag-usapan muna sa bicameral confe­rence committee ang abolisyon ng Road Board upang maging makatotohanan ang pagbuwag nito imbes na mapunta sa tatlong ‘Road King.’ ()