Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sotto, Tolentino timeout muna

0 218

PAHINGA saglit sa dibdibang training sina Pinoy NBA prospect Kai Sotto at Sage Tolentino.

Day off muna ang dalawa sa kanilang basketball life nang ibahagi mismo sa Instagram story ni 7-foot-2 star Kai na chillax muna sila ni Sage.

Sa nasabing video ay nagtampisaw muna at binabad ng dalawa ang kanilang mga paa sa isang fountain habang nagpo-food trip.

Mula kasi nang magtungo si Ateneo star Kai sa Amerika ay lagare na ito sa paghimas, pagdribol at pagsyut ng bola.

Habang si Fil-Am Sage naman ay naging parte rin sa parehong training camp ni Kai na East West Private. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.