Abante Tonite Interactive

South patok ang dance showcase

11

Bago ang siklab ng 27th All-Star Game ng PBA, pakitang-gilas muna ang mga miyembro ng North at South teams sa kanilang galing sa indak sa Danceoff competition.

Pagkatapos ng introduction ng players at coaches ng bawat squad, pumagitna sa Smart Araneta Coliseum ang magkatunggali para sa naging tradisyunal nang dance showdown.

Unang humataw ang North, nagsalubong sa gitna at inumpisahan ang sayaw sa tugtog ng Let’s Get Loud, pagkatapos ay nag-segue sa Trumpets at tinapos ng Tatlong Bibe na may mga suot pang maskara.

Sumunod ang South, may import pang choreographer na miyebro raw ng Mocha Girls.

Binuhat ni Asi Taulava si RR Garcia, bago bumira din ng Trumpets sa pa­ngunguna ni Joe Devance na nag-head stand pa.

Ikinatuwa ng fans na makita ang mga basketball stars na ceasefire muna sa hawak ng bola para magpakita ng natatagong dance moves.

Mas matagal ang presentation, mas pinaboran ang indak ng South at ibinulsa ang premyong P150,000.