Abante Tonite Interactive

‘Space Jam 2’ inisnab ni Curry

397

Tinanggihan ni Stephen Curry ang offer na lumabas sa Space Jam 2, ang sequel ng patok na Space Jam ni Michael Jordan.

Sa pangalawang installment ng iconic movie, si LeBron James naman ang nasa starring role kasama ang ilang players, at siyempre ang Looney Tunes characters.

Sa unang pelikula na pinalabas noong 1996, nilabanan sa basketball ni Jordan at Looney Tunes characters ang mga Monstars – cartoon aliens na huhuli kina Bugs Bunny & Friends.

‘Di raw kakayanin ng schedule ni Curry na isingit ang movie, base sa ulat ay nakatakdang i-release sa July 2021.

Sa Twitter, dinetalye ni New York Times reporter Sopan Deb ang interview kay Cury.

“I said no. The timing of it. I know LeBron and Ryan Coogler are going to be doing amazing things. It’s going to be awesome,” pahayag ni Curry. “Part of it was in terms of things that I had going on. It was just the timing, to be honest. Not being able to commit.”

Si Coogler ang producer ng Space Jam 2, siya rin ang director ng Black Panther. Mahirap ani Curry na tanggihan niya si Coogler na diehard Golden State Warriors fan at laging nasa playoff game.

Ilan sa mga player na sinasabing um-oo na sa Space Jam 2 ay sina Anthony Davis, Damian Lillard, Klay Thompson, WNBA stars Diana Taurasi at magkapatid na Chiney at Nneka Ogwumike, at si Star Trek: Discovery star Sonequa Martin-Green. (VE)