Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Spam hinarbat ng lalaki sa grocery

0 258

Kulungan ang bagsak ng isang 48-anyos na lalaki matapos mabuking sa pagnanakaw ng imported na canned goods na spam sa loob ng isang supermarket sa Pasig City kamakalawa.

Nahaharap sa kasong theft si Nova Gonzaga y Ambulo, ng Pasig City matapos kasuhan ni Rodolfo Juanites y Dalmacio, 41, representative ng pamilihan.

Inaresto ang suspek alas-2:45 Sabado ng hapon sa grocery sa C5 Road, Barangay Ugong, Pasig City.

Ayon kay Elia Abing, rooving security guard, napansin niya ang kahina-hinalang kilos ng suspek habang nagtutulak ng trolley at nang sundan ay nabistong nagsisilid ng de lata sa kanyang bag.

Habang papalabas ay hinanapan ito ng resibo sa anim na lata ng Spam na nagkakahalagang P1,077. Nang walang maipakita ay dinampot at agad na sinampahan ng kaso sa Pasig Police. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.