Abante Tonite Interactive

Special child, pinag-shabu at halinhinang hinalay ng tatlo

349

EDISON REYES

Pamilyar si Saylo sa mga naninirahan sa Sto Niño dahil nagtatrabaho siya bilang delivery boy ng isang water refilling station sa Trabajo St. Tondo at karamihan sa kanilang mga suki ay sa naturang lugar naninirahan.

Maging ang pinsang babae ni Nenet ay nakilala si Saylo dahil bago nawala ang biktima, nagtungo sila ng dalagita sa isang tindahan malapit lamang sa kanilang bahay at dito sila nilapitan ng suspek at sinabihan na bumalik silang muli subalit hindi nila pinansin ang lalaki.

Bunga ng natuklasan, kaagad sumugod sa barangay hall sina Joyce Anne at kanyang hipag upang isumbong kay Chairwoman Padasas ang pagkilala ni Nenet sa isa sa tatlong lalaking gumawa ng kahalayan sa kanya, batay sa nakitang larawan ng suspek sa mismong facebook account ng biktima.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang punong barangay at kaagad na inatasan sina Kagawad Fernando Buntilao, Jr. at Kagawad Edwin Padasas, kasama ang dalawa pang barangay ta-nod na sina Alex Berdon at Roberto Platilla na isagawa ang pag-TUGIS kay Saylo at dalhin sa barangay hall upang magpaliwanag.

Unang nagtungo ang grupo sa bahay ni Saylo sa Kagitingan Street subalit hindi na nila inabutan doon ang lalaki.

Dakong alas-12 nang tanghali nang matagpuan ng mga opisyal ng barangay si Saylo sa pinaglilingkurang water refilling station sa 168 Trabajo St. Tondo at sa pakikipag-ugna-yan sa may-ari ng establisimiento, inimbitahan nila sa barangay hall ang suspek upang hingan ng paliwanag kaugnay sa sumbong ng biktima.

Nagpaunlak naman si Saylo na sumama patungong barangay hall lalo na’t pumayag naman ang kanyang amo dahil kinakitaan na siya ng pagka-asiwa nang makita ang pagdating ng mga opisyal ng barangay na n­aghahanap sa kanya.

Nang dumating sa barangay hall ang dalawang kagawad at tanod kasama si Saylo, kaagad na kinompronta ni Chairman Padasas ang lalaki at tinanong kung ano ang kanyang kinalaman sa pagkawala ni Nenet.

Una’y todo-tanggi si Saylo na may kinalaman siya sa reklamo ng ina ni Nenet su-balit nang sabihin sa kanya ni C­hairwoman Padasas na nakita siya at isa pang lalaki sa kuha ng CCTV habang nakaagapay sa biktima, kasabay pa ng pagsumbat sa kanya ng pinsan ng dalagita na pinababalik sila sa tindahan nang magtungo sila rito ng Linggo ng gabi, dito na bumigay ang suspek at inamin na isa siya sa nagdala sa biktima sa bahay ng isa pa nilang kasama.