Abante Tonite Interactive

Special child, pinag-shabu at halinhinang hinalay ng tatlo

342

EDISON REYES

Tinukoy ni Saylo ang bahay na pinagdalhan nila kay Nenet sa 1337 D. Balimbing Street Barangay 123 na sakop na ng Manila Police District (MPD) Station 1 at inuupahan umano ng asawa o live-in partner ng isa pa nilang kasama.

Sa kabila nito, itinanggi pa rin ni Saylo na kabilang siya sa humalay sa dalagita at sa halip ay itinuro ang dalawa niyang kasamahan na sina Cesar Gabino, 30, at naninirahan sa 343 Ramon Street, Tuazon, Barangay 46, Tondo at Danny Pelayo, 25 ng Banaba Street kanto ng Masinop Street, Barangay 123, Tondo.

Sa pahayag ni Joyce Anne sa TUGIS, sinabi niya na ang asawa ni Pelayo na kilala lamang sa alyas En-En ang umuupa sa bahay na pinagdalhan sa kanyang anak at dito rin siya ginawan ng kahalayan.

Dahil dito’y muling iniutos ni Chairman Padasas sa kanyang mga kagawad at tanod ang pag-TUGIS sa dalawa pang suspek na itinuro ni Saylo subalit nabigo silang mahanap kaagad ang dalawa sa tinitirhan nilang bahay.

Dakong alas-2 ng hapon ng araw ding yun ng Lunes nang matunton nina Kagawad Buntilao at Padasas at tanod na sina Berdon at Platilla si Cesar Gabino sa Barcelona Street, Tondo na hindi na rin nakapalag nang bitbitin ng naturang mga opisyal sa barangay hall.