Abante Tonite Interactive

Special child, pinag-shabu at halinhinang hinalay ng tatlo

442

Habang hinahanap naman ng mga kagawad ng barangay ang mga suspek, nakipag-ugnayan na si Chairwoman Padasas kay Manila Police District (MPD) Station 1 commander P/Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo dahil nasa ilalim ng hurisdiksiyon nito ang bahay na pinagdalhan kay Nenet upang ipabatid ang kaso ng pagdukot at panghahalay sa 18-anyos na dalagitang estudyante na may espesyal na pa­ngangailangan.

Kaagad namang ini­utos ni Col. Magdaluyo sa kanyang mga tauhan na magtungo kaagad sa barangay hall ng Barangay 43 upang bigyan ng kaukulang ayuda ang mga opisyal ng barangay sa pag-TUGIS sa nakakalaya pang suspek.

Nang dumating ang mga tauhan ni Col. Magdaluyo sa tanggapan ni Chairwoman Padasas, dinatnan na rin nila ang isa pang suspek na si Gabino na nahuli ng mga kagawad at tanod sa Barcelona Street, bukod kay Saylo na unang inimbitahan at umamin sa krimen.