Abante Tonite Interactive

Special child, pinag-shabu at halinhinang hinalay ng tatlo

275

EDISON REYES

Dahil dito isinailalim na ng mga tauhan ni Col. Magdaluyo ang dalawang suspek sa pag-aresto at sinabi sa kanila ang kanilang mga karapatan bilang suspek sa krimen sa ilalim ng prinsipyo ng Miranda doctrine.

Kasama ang biktimang si Nenet, inang si Joyce Anne, tiyahin, pinsan at pati sina Chairwoman Padasas at mga tanod na nakaaresto sa dalawa, sumama sila sa mga pulis sa pagtungo sa tanggapan ni Col. Magdaluyo sa MPD Station 1 upang pormal na maihain ang reklamo.

Pagsapit sa tanggapan ng opisyal, kaagad na kinompronta ni Col. Magdaluyo sina Saylo at Gabino na umaming kasama nga sila ni Nenet nang gabing mawala ang dalagita sa paningin ng ina at kamag-anakan subalit itinanggi nila ang panghahalay.

Kaagad na inatasan ni Col. Magdaluyo ang mga tauhan ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) na kuhanan ng pahayag ang dalagitang biktima matapos sabihin ng kanyang ina na may kakayanan naman ang kanyang anak na isalaysay kung ano ang nangyari at ginawa sa kanya ng mga suspek noong gabing isama siya ng mga ito sa pinuntahan bahay.

Iniutos din ni Col. Magdaluyo ang malawakang pag-TUGIS sa isa pang suspek na si Pelayo, matapos mabigo ang mga kagawad at tanod na mahanap siya sa kanyang tirahan at maging sa bahay na pinagdalhan nila sa biktima.

Ang batikang imbestigador naman ng WCPD ng Station 1 ng MPD na si P/Cpl. Helen Ureta ang humawak ng kaso kaya’t siya rin ang kumuha ng salaysay kay Nenet kaugnay sa mga pangyayari.

Batay sa pahayag ni Nenet, naglalakad siya patungo sa isang tindahan nang sundan siya ng dalawang lalaki na nakilalang sina Saylo at Gabino, noong Linggo nang gabi, at pilit siyang isinama palabas patungo raw sa isa niyang ka-klase.