Special child pinag-shabu at halinhinang hinalay ng tatlo

357

Gayunman, sa halip na sa bahay ng kaklase, dinala siya ng dalawa sa bahay ng isa pa nilang kasama na nakilalang si Pelayo at dito ay pinilit siyang humitit ng usok na kalaunan ay natuklasang shabu.

Ayon kay Col. Magdaluyo, matapos ang sapilitang pagpapagamit ng shabu sa dalagitang may pagkaantala ang kaisipan, dito na siya unti-unting hinubaran ng kasuotan hanggang sa halinhinan na siyang hinalay ng mga suspek.

Matapos ang walang awang panghahalay sa biktima, tinakot ng mga suspek ang dalagita na huwag sasabihin kaninuman ang ginawang panghahalay sa kanya dahil kapag ginawa niya ito ay papatayin siya.

Upang matiyak ng mga suspek na hindi magsusumbong ang dalagita, paulit-ulit pa siyang tinanong kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nagsabi siya kaninuman ng ginawa sa kanya at dahil sa takot ay sinabi niyang hindi niya sasabihin maging sa ina ang nangyari.

Matapos ang kahalayan ay muling isinama ni Saylo ang dalagita sa kanilang lugar sa Kagitingan Street kung saan dito na niya nasalubong ang kanyang inang si Joyce Anne na walang tigil sa paghahanap sa kanya.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...