Abante Tonite Interactive

Special child pinag-shabu at halinhinang hinalay ng tatlo

354

EDISON REYES

Ang matinding takot din sa banta ng mga mga suspek na papatayin siya kapag nagsalita kaugnay sa ginawa sa kanya kaya’t nagsinu­ngaling siya sa inang si Joyce Anne at sinabing nagtungo siya sa bahay ng kaklase nang tanu­ngin kung saan siya nagpunta.

Tiniyak naman ni Joyce Anne sa TUGIS na mananagot ang mga suspek sa ginawa ng mga ito sa kanyang panganay na anak na sa halip na mahabag sa kalaga­yan ay sinamantala pa ang kahinaan at pagka-antala ng kaisipan para pagsamantalahan.

Hindi aniya sila uurong sa paghahain ng demanda laban sa mga suspek kahit anong areglo pa ang i-alok sa kanya upang matiyak na mabibigyan ng hustisya ang masaklap na sinapit ng kanyang panganay na anak.

Sinabi naman ni Col Magdaluyo na hindi rin sila titigil sa pag-TUGIS sa nalalabi pang nakakalayang suspek na si Pelayo na ngayon ay nagtatago matapos matuklasang nadakip na ang dalawa niyang kasama.

Kasong Rape naman na may kaugnayan sa ilalim ng Republic Act 7610 ang isinampang kaso ng WCPD laban kina Saylo, Gabino at sa nakakalaya pang si Pelayo sa tanggapan ng piskalya ng lungsod ng Maynila.

Naniniwala si Col. Magdaluyo na ang pinakamabigat na parusa ang puwedeng maipataw ng hukuman sa mga suspek kung sakali at mapatunayan ng walang duda ang kanilang naging kasalanan dahil nakadagdag pa sa kanilang ginawa ang pagkakaroon ng kapansanan ng dalagita na may pagkaantala ang kaisipan.

Sa mga kriminal na nakatakbo at nakaiwas sa pag-TUGIS ng batas, pansamantala lang ‘yan, hindi habang panahon kayong makapagtatago. Tandaan ninyo. walang krimen na hindi pinagbabayaran.