Abante Tonite Interactive

Special child, pinag-shabu at halinhinang hinalay ng tatlo

418

Edison Reyes

Hindi naman kinakitaan ng anumang pangamba ang mag-asawa sa unti-unting paglaki ng kanilang pamilya lalo na’t nakakatulong naman si Joyce Anne sa mga gastusin dahil kumikita naman ang pamumuhunan niya sa mga inilalakong iba’t ibang uri ng kasuotan.

Bukod dito, hindi naman gaanong magiging problema sa mag-asawa ang napakamahal na gatas ng mga sanggol dahil nahirati na si Joyce Anne na magpa-breast feed sa kanilang mga anak kaya’t sa kabila ng kanilang kalagayan sa buhay ay malulusog ang kanilang mga anak maliban sa kapansanang taglay ng kanyang panganay.

Hustong siyam na buwan pa lamang ang edad ni Andrea nang dumanas na ng unang dagok sa kanyang buhay si Joyce Anne makaraang bawian ng buhay bunga ng tinaglay na karamdaman ang kanyang mister na si Colete.

Sa kabila ng pagiging biyuda, sinikap ni Joyce Anne na maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang anak na lalaki sa pribadong paaralan sa pamamagitan ng ibayong sipag at tiyaga, habang hindi rin siya tumitigil sa pagkalinga at pag-aaruga sa panganay na si Nenet, sa tulong na rin ng kanyang mga hipag at biyenan.

Dahil masigasig si Joyce Anne sa paglalako ng kanyang mga paninda, halos lahat ng mga residente sa kanilang barangay ay nakilala na siya hanggang makuha niya ang atensiyon ng kanilang barangay Chairwoman na si Irene Padasas.