Abante Tonite Interactive

Special child, pinag-shabu at halinhinang hinalay ng tatlo

0 345

EDISON REYES

Bago tumuntong sa edad na 17 si Nenet noong Agosto ng taong 2018, umabot siya sa ika-anim na baitang o Grade 6 sa Jose Rizal Elementary School habang nasa Grade 5 naman ang kapatid niyang si Andrea sa Isabelo Delos Reyes Elementary School at Grade 10 naman si Jeonard sa Holy Child Catholic School.

Sa taon ding ito nakilala ng husto ni Joyce Anne ang lalaking muling magpapatibok sa kanyang puso na bagama’t matagal ng nagpapalipad-hangin sa kanya ay hindi naman niya kaagad binigyan ng kahulugan sa pag-aakalang hindi naman ito sinsero sa mga ipinapahayag.

Bagama’t may isa ring anak, hiwalay ang lalaking lumilingon sa tawag na Richard sa kanyang kinakasama at kasalukuyang wala sa kanyang pangangalaga ang kaisa-isa nilang anak dahil kinupkop ang bata ng ina ng kanyang kalive-in nang ipasiya nila na tuluyan ng maghiwalay ng kanilang landas.

Nang matiyak ni Joyce Anne na tapat at malinis ang layunin sa kanya ni Richard na naninirahan din lamang sa hindi kalayuan sa bahay na kanyang tinitirhan, ipinasiya niyang buksan na muli ang kanyang puso sa tawag ng pag-ibig at tinugunan ang pamimintuho sa kanya ng lalaki.