Abante Tonite Interactive

Special child, pinag-shabu at halinhinang hinalay ng tatlo

345

Part 9
TUGIS
EDISON REYES

Sa pahayag ni Joyce Anne sa TUGIS, mistulang tulala at wala sa sarili ang kanyang anak nang masalubong niya na naglalakad mag-isa sa Kagitingan Street kaya’t hindi na niya masyadong inusisa muna ang anak at sa halip ay inaya na ni­yang umuwi.

Pagdating sa bahay ay kinausap na muli ni Joyce Anne si Nenet upang tanungin kung saan siya nagpunta at ang tanging naisagot sa kanya ng anak ay nagpunta siya sa bahay ng kanyang kaklase.

Napuna na ni Joyce Anne ang pagbabagong muli ng kalaga­yan ng anak dahil nawala ang dating sigla ng dala­gita kaya’t sa kagustuhang makapagpa­hinga ay hinayaan na muna niya si Nenet na matulog.

Nang magising kinabukasan, araw ng Lunes si Nenet, napansin ng hipag ni Joyce Anne ang matamlay pa ring pakiramdam ng dalagita kaya’t ipinasya niyang kausapin nang masinsinan ang pamangkin.

Dito na sinabi ni Nenet na may tatlong lalaki na pilit na nagdala sa kanya sa hindi niya matukoy na lugar at tinakot na papatayin kapag hindi sumunod sa kanilang kagustuhan.

Dahil sa natukla­san, ipinasya na ni Joyce Anne na maghain ng reklamo sa kanilang barangay at dahil kabilang siya sa mga barangay tanod sa kanilang lugar, buo ang suportang ipinagkaloob sa kanya ni Chairwoman Padasas, sampu ng kanyang mga kagawad at kapwa tanod.

Muling ipinasuri ni Chairwoman Padasas ang kuha ng kanilang CCTV upang alamin kung may makukuha pa silang impormas­yon kaugnay sa sinasabi ni Nenet na nagsama sa kanyang tatlong lalaki.