Abante Tonite Interactive

Special child, pinag-shabu at halinhinang hinalay ng tatlo

316

Kasama si Joyce Anne at kanyang hipag nang rebisahing muli ang kuha ng CCTV at dito na nila napuna ang pagsunod kay Nenet ng dalawang lalaki habang naglalakad ang dalagita sa kahabaan ng Sto, Niño Street mula sa kanilang tirahan patu­ngong Moriones Street ng dakong alas-10:00 nang gabi noong araw ng Linggo.

Dahil pamilyar ang isa sa dalawang lalaking sumusunod kay Nenet, binuksan ng hipag ni Joyce Anne ang Facebook account na gamit ng dalagita at isa-isang sinuri ang mga larawan ng kanyang mga naging kaibigan.

Isa sa mga nakatawag-pansin sa hipag ni Joyce Anne ang larawan ng isang lalaki sa Facebook account na malapit sa pigura ng isa sa dalawang lalaking sumusunod kay Nenet habang nag­lalakad kaya’t ipinakita niya ito sa dalagita.

Dahil dito’y ipinasya ng tiyahin ng biktima na ipakita sa dalagita ang larawan at tanungin kung kasama ang lalaki sa tatlong kalalakihan na sinasabi niyang gumawa sa kanya ng masama.

Mistula namang nagbago ang timpla ng kilos at galaw ni Nenet nang makita ang larawan at nang muling usisain ng tiyahin, sinabi ng dalagita na isa ang lalaki na nagsama sa kanya sa isang bahay at doon ginawan ng kahalayan.

Nakilala ang lalaki sa pangalang Manuel Saylo, 19 na taong gulang at naninirahan lamang sa 408 Kagitingan St. na sakop din ng Barangay 43.