Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Special session ipatatawag ng Malacañang

0 239

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magpapatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ng special session ng Kongreso para maaprubahan na ang panukalang Bayanihan to Recover as One Act.

Ito’y matapos na mag-recess na ang Kongreso para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na naglaan ang pamahalaan ng P17 bilyon para sa pagkuha ng 50,000 contact tracer upang palakasin pa ang paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

“At ito po ay isasama doon sa Bayanihan II Package. At sa kauna-unahang pagkakataon, sasabihin ko na po ngayon na halos tapos na po ang negosasyon sa panig ng Ehekutibo at ng Kongreso, at maisusulong na po ang Bayanihan II,” ani Roque. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.