Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Special session para sa ‘Bayanihan 2’, pinag-iisipan pa ng Palasyo

0 252

Tinitimbang ng Malacañang kung may pangangailangan pa bang magpatawag ng special session para sa Bayanihan Act 2 dahil malapit na rin namang magbukas ang sesyon ng Kongreso.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na iilang lingo na lang ay magbubukas na muli ang sesyon ng Kongreso kaya titingnan ng Palasyo kung itutuloy ang unang plano na pagpapatawag ng special session para matalakay ang Bayanihan Act 2 na magbibigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang patuloy na nararanasang krisis sa COVID-19.

Nakapaloob sa Bayanihan Act 2 ang stimulus package na gagamitin ng gobyerno para makabangon ang ekonomiya dahil sa naging epekto ng COVID crisis.

“Malapit na naman ang opening no, so tingnan po natin kung ano ang mangyayari. Ang importante po ay tuluyang nagkakaisa ang legislative at executive branch ng government kung paano ipatutupad ang extension ng emegency powers at stimulus package na sa huling balita ko ay nabuo na,” ani Roque.

Kabuuang P140 billion ang nakapaloob na stimulus package para magamit ng gobyerno sa pagtugon sa problema sa COVID-19.

Nauna rito, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na sana ay noong nakalipas na buwan pa nagpatawag ng special session dahil kung ngayon ito gagawin ay wala ng epekto dahil nakatakdang magbukas ang regular session ng Kongreso sa huling linggo ng buwang kasalukuyan. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.