Abante Tonite Interactive

Special session sa COVID budget ipinagpaliban

395

Hindi matutuloy ang pagsasagawa ng special session ng Kongreso ngayong weekend para sa karagdagang budget ng pamahalaan upang matugunan ang kinakaharap na state of public health emergency bunga ng paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Inihayag ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III Biyernes ng gabi ang pagpapaliban sa special session.

Ayon sa senador, sa halip na magkaroon ng special session, nagpasya na lamang ang mga mambabatas mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso, na magsagawa ng pulong sa Malacanang kasama ang mga opisyal ng mga ahensya ng pamahalaan.

“We will discuss tomorrow how to empower and give the government the flexibility to address the present crisis,” pahayag ni Sotto sa mga reporter sa pamamagitan ng text message Biyernes ng gabi.

Dagdag pa ng senador, pupulungin muna ng mga mambabatas ang mga namumuno sa mga ahensya ng pamahalaan upang matapos ang draft bill para sa karagdagang budget kontra COVID-19.