Abante Tonite Interactive

Special team binuo sa radio anchor slay

0 146

Iniutos ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagbuo ng isang special investigating team para imbestigahan ang pagpaslang kay radio anchor Eduardo ‘Ed’ Dizon sa Kidapawan City noong Miyerkoles nang gabi.

“As chair of the presidential task force on media violence, I have given instructions for the creation of a special investigating team to inquire into the killing of Eduardo Dizon and to file appropriate charges against the perpetrators thereof,” ayon kay Guevarra.

“Our teams are headed by prosecutors in the field who assist in case build-up, and they coordinate actively with local law enforcement agents including the NBI (National Bureau of Investigation),” pahayag pa ni Guevarra.

Matatandaan na noong Miyerkoles ay pinagbabaril ng riding-in-tandem si Dizon, news anchor ng 97.5 Brigada News FM Kidapawan, habang nasa loob ng kanyang sasakyan.

Pauwi na umano sa bahay si Dizon sa Tejada Subdivision sa bayan ng Makilala matapos ang kanyang programang ‘Tira Brigada’ nang pagbabarilin ng mga suspek sa Quezon Boulevard malapit sa Colegio de Kidapawan alas- 10:35 nang gabi

Nagawa pang maitabi ni Dizon ang sasakyan sa gilid ng kalsada pero nasawi rin dahil sa limang tama ng bala sa katawan. (Juliet de Loza-Cudia)