Abante Tonite Interactive

Special ward para sa mga pampublikong guro itatayo sa OsMa — Isko

0 175

Maglalagay umano si Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ng isang special ward para sa mga pampublikong guro sa itatayong bagong gusali sa Ospital ng Maynila (OsMa).

Ito umano ang regalo ni Moreno sa ginanap na selebrasyon ng National Teachers’ Day.

Sinabi ni Moreno na kinikilala umano niya ang sakripisyo ng mga guro na siyang humuhubog ng mga susunod na lider ng bansa.

“We all owe what we have become today to our teachers. They’re our country’s silent heroes,” ayon kay Moreno.

Nabatid na bukod sa special ward, maglalagay rin ng special lane para sa mga public school teacher ng Maynila kung kailangan nila ang atensiyong medikal at libre umano ito sa mga guro.

‘This is our small way of honoring our tea­chers for all their love, patience and understan­ding just to instill discipline and knowledge to students,” dagdag pa ni mayor.

Sisimulan na umano sa susunod na taon ang konstruksiyon ng OsMa at tiniyak niya na makakaagapay ito sa mga modernong ospital. (Juliet de Loza-Cudia)