Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Speed Skater may libreng online lesson

0 428

Magsasagawa ng libreng pagtuturo ng Online Speed Skating sa pamamagitan ng online o internet ang miyembro ng national short track speed skating team na si Anna Cruz upang hindi masayang ang panahon ng mga kabataan sa kalagitnaan ng coronavirus pandemic.

“Quarantine can’t stop us from trying out new sports!,” anang manlalaro, na nakatakdang ituro ang “Intro to Speed Skating” sa Biyernes, Hulyo 24 ng 1:00 nang hapon-alas-2:30 nang hapon via Zoom.

“It’s always been a dream to teach speed skating to people with disabilities and special needs and we’re now off to a good start join (it’s open for all!!) on July 24th, 1pm, via Zoom as I try to introduce the basic speed skating dryland workouts to the lovely and inspiring people of Special Olympics Philippines!” dagdag niya. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.