Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Spence papansin kay Pacquiao

0 116

Gusto ring bumida ni Errol Spence nang iparamdam na target din niyang makaupakan si eight-division world champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.

Malakas pa ang loob na hinamon ng American boxer ang fighting senator dahil sa aniya’y papalaos na ang reigning World Boxing Association (WBA) supwer welterweight titleholder.

“He’s on his way out, so I’d love to have that fight,” sambit ng 30-anyos sa 41 taong-gulang na Pinoy ring icon na tinawag pa niyang `living legend.’

Para kay Spence, malaking karangalan aniya na makasagupa ang bantog boksingero kaya para magmarka rin gaya ng Pambansang Kamao nagpapapansin siya.

“Pacquiao has been in the sport 20-something years, he’s an icon even outside the sport. Everybody knows who Manny Pacquiao is. That would be a great fight for me,” panaposna kuda ng unified welterweight champ sa Bad Left Hook. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.