Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Spider-Man’ sumalpok sa dyip

0 55

Viral sa Facebook ang insidente kung saan makikitang nagbibisikleta ang isang lalaki na nakasuot ng `Spider-Man’ custome na sumalpok sa isang dyip sa Panabo, Davao del Norte.

Sa video, pakaway-kaway pa ang hindi nakilalang lalaki at saka nag-flying sa mga sakay ng isang kotse kung kaya’t hindi nito napansin na may dyip sa kanyang harapan dahilan para bumangga ang kanyang bisikleta sa naturang sasakyan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa uploader ng video, hindi naman nasaktan si `Spider-Man’ at wala ring nadamay sa pagkakabangga sa kanya.

Mahigit anim na milyong views na ang naitala ng nasabing video at marami rin ang nagkomento. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.