Abante Tonite Interactive

Splash bros absent sa West semis ‘G1’

297

Nakalistang ‘questionnable’ sina Splash Brothers Stephen Curry at Klay Thompson sa Game 1 ng Western Confe­rence semifinals ng Golden State at Houston ngayong Lunes (araw sa Manila) sa Oracle Arena.

Parehong inabot ng right ankle sprain ang dalawa nang sipain ng Warriors ang Clippers sa Game 6 ng first round noong Biyernes.

Noong isang taon, nag-rally ang Warriors mula 2-3 deficit para kalusin ang Roc­kets sa pitong laro sa West finals. Nagtuloy ang Golden State para sikwatin ang pangalawang sunod na NBA title.

Hindi naglaro sa Games 6 at 7 noon ang partner ni James Harden na si Chris Paul (hamstring), ngayon ay kondisyon na at gigil gumanti, tulad ng buong Rockets team.

Markado ng lahat ng teams ang Golden State, gustong tapusin ang kanilang back-to-back title run. Sa first round, napahiya ang Warriors nang malusaw ang 31-point lead at talunin ng Clippers.

Noong isang taon, gumana ang depensa ng Warriors nang bulabugin ang long-range shooting ng Rockets. Sa stretch ng Game 7, 27 sunod na 3s ang isinablay ng Houston. Mintis ang Rockets sa lahat ng 14 3-point attempts sa third quarter, 1 for 21 lang sa downtown sa second half.

Alam ni Curry na kaila­ngan niyang maging maingat sa depensa para iwas sa foul trouble. Kapag nakakuha ng stops ang Warriors, mabilis ang bola sa transition at mas madalas nakakakuha ng puntos. (VE)