Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Spoiled brat anak ni Kiko naghamon ng rally

0 106

Hindi matanggap ni Frankie `Kakie’ Pangilinan na mananalo ngayong halalan si dating senador Ferdinand Marcos Jr. at kinukuwestiyon pa nito ang naging resulta ng botohan.

Kaya naman inuulan ngayon ng mga batikos ang anak nina Sharon Cuneta at Senador Francis `Kiko’ Pangilinan.

Unang kumalat ang panayam kay Kakie sa isang Twitter post kung saan dumalo ito sa rally na ginanap sa harap ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila kahapon dahil sa umano’y dayaan na nangyayari sa katatapos lang na eleksiyon.

Sa naturang panayam, kinondena ni Kakie ang resulta ng katatapos lang na eleksiyon bagama’t hindi pa tapos ang bilangan.

Kandidato sa pagka-bise presidente ang kanyang ama subalit malayo ang agwat ng mga boto nito kumpara kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na lagpas 30 milyon na ang nakuhang boto.

“Sabi ng iba na we have to accept defeat daw, na hindi daw tayo marunong matalo. I think that the truth is it’s not about just this election anymore eh. Because I think that the data shows clearly this election was bought a long, long time ago. And that’s something that we’ll not gonna take sitting down,” sabi ni Kakie.

Binigyang-diin pa nito na hindi siya papayag na isa na namang Marcos ang uupong presidente ng bansa.

“I am not going to have my president be named Ferdinand marcos again, ever. And I think it’s just simple. My siblings are here too, I brought them, my baby sister, my baby brother..and they’re young but like we all know, we all know what’s right and wrong. And I think it’s very, very simple `no what we have to do. If we’re not here to stand up, if we’re not here to fight eh `di ano pa ginagawa natin dito sa Pinas, `di ba mahal natin ang Pilipinas eh,” ayon kay Kakie.

Hindi nagustuhan ng mga netizen sa Twitter ang mga sinabi ni Kakie dahil hindi umano nito matanggap ang pagkatalo ng kanyang ama sa halalan.

Ayon sa ilang netizen, dapat umalis na lang si Kakie sa bansa.

“Umalis kanalang dito sa pinas dika namin kelangan hahahaha,” sey ng isang netizen.

“Pwede naman kayo mag migrate or mamundok for good, since ang alam nyo lang is pag aaklas. Nanahimik ang mga bbm supporters at camp ni bbm sa mga negative campaign ninyo tapos nung ni landslide tsaka kayo nagngangangawa,” saad naman ng isa.

“Kala nyo kayo ang may-ari ng Pilipinas. Respect the result of this democratic process of choosing the new leaders! Di kayo ang pinili ng demokrasyang pagpapasya, igalang mo. Kaya kayo mahirap mahalin kc ang yayabang nyo,” hirit naman ng isa pa.

Samantala, tumagal ng isang oras ang protesta sa harap ng Comelec.

Agad na dumating ang mga pulis para mapanatili ang kaayusan. (Sherrylou Nemis/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.