Abante Tonite Interactive

Spokesperson at vice mayor, may sikretong sweetness sa isa’t isa

By
294

May lihim palang relasyon ang isang prominente, maganda at matalinong tagapagsalita ng isang ahensya at ang vice mayor sa isang lungsod sa Metro Manila.

Ayon sa aking bubwit, ‘sweet’ sa isa’t isa ang maganda at matalinong spokesperson at ang macho na vice mayor na mahilig sa big bike.

Si vice mayor ay may grupo ng mahihilig sa motorsiklo na bumibiyahe nang maramihan patungo sa magagandang lugar sa loob at labas ng Metro Manila kapag weekend gamit ang magagara at mamahalin nilang motorsiklo.

Minsan ba vice mayo­r isinasama mo si miss beautiful sa mga lakad mo nang nakamotorsiklo? Umaangkas ba s’ya sa’yo?

Hindi na bago o nakagugulat ang relasyon ni spokesperson at ni vice mayor dahil marami talagang prominente at makapangyarihang tao ang may lihim na relasyon. Premyo sa tagum­pay? 

Eh ‘yun ngang mga ordinaryong tao lang mayroon din ganito ‘yun pa kayang komportable at lalo na yun ‘made’ na talaga.

Ayon sa aking bubwit, isa sa mga big bike ni vice mayor ay regalo ng isang bigtime businessman na maraming transaksyon sa iba’t ibang na minsan ay kinailangan niya ang tulong ni vice mayor.

Dahil sa tulong ni macho vice mayor, naayos ang nilalakad ni bigtime businessman at sa kanyang tuwa ay niregaluhan niya ng ‘performance’ bike si vice mayor na isang BMW na nagkakahalaga ng halos P2 milyon.

Ayon sa aking bubwit, para iwas kontrobersya, hindi ipinangalan ni vice mayor sa kanya ang big bike at gumamit ng isang kamag-anak para dito ipangalan ang mamahaling motorsiklo.

Tuwing may babati sa kanyang big bike, ang parating sagot ni vice mayor ay pahiram lang ‘yun sa kanya. Ilang taon nang nasa iyo ‘yan vice mayor, pahiram pa rin?

Ang prominente, maganda at matalinong tagapagsalita ay letrang ‘p’ ang pangalan at ang may sabit naman niyang BF na vice mayor ay letrang ‘p’ rin.