Abante Tonite Interactive

SPORTALAKAN: Codiñera hirap bantayan sina Paras, Guidaben, Raymundo, Taulava

By
1,347

Mahigpit sa depensa kaya nahirang na PBA Defensive Player of the Year noong 1994 si Jerry Codiñera na kilala sa tawag na ‘Defense Minister’.

Mga import ang kadalasang binabantayan ni PBA legend at 6-foot-6 Codiñera at pinahihirapan niya ang mga ito bago makapuntos subalit ayon sa kanya, may local player na mahirap bantayan.

Sa naganap na ‘Sportalakan’ sa studio ng Abante kahapon, inamin ni Codiñera na isa si PBA Rookie-MVP Benjie Paras sa mahirap bantayan noong naglalaro pa sila sa pro.

Abante Hiring – IT dep

“Puro imports ang pinababantayan sa akin at kailangan pahirapan sila bago makapuntos,” hayag ni Codiñera na isa nang head coach ng Arellano University sa NCAA. “Si Benjie, (Paras) mahirap bantayan, malapad at may galaw.”

Kabilang pa sa mga nahihirapang bantayan ni Codiñera sina two-time Most Valuable Player (MVP) Abet Guidaben, Kerby Raymundo at Asi Taulava.

Tatlong koponan ang nilaruan ni Codiñera sa PBA, una sa Purefoods, sunod sa Mobiline Phone Pals at huli sa FedEx Express noong 2002 hanggang 2005.

Taong 2014 nang iretiro ni Codiñera ang kanyang No. 44 jersey pero bago ‘yun ay naging coach muna siya sa Teletech Titans sa PBL noong 2006.

Naging mentor din siya sa pinaglaruan niya noong kolehiyo na University of the East (2011-2012).

Ang nasabing Abante/Sportalakan ay unang segment ng Abante na ang panauhin ay mga sports celebrity.