Abante Tonite Interactive

Sports celeb may ‘jolalay’ ‘pag naliligo

By
1,808

Ay, gaano kaya katotoo ang tsikang tila nadala yata ng isang showbiz personality sa dugout ng kanyang sinalihang sport team ang pagiging ‘banidoso’ nito?

Na kesyo meron pa itong alalay sa kanyang pagligo at pagbihis at talagang may i-request umano ito ng ‘privacy’ dahil siyempre gusto nitong protektahan ang kanyang image sa showbiz.

Baka nga naman meron na lang biglang lumabas na mga photo or video niya na naliligo o nakatapis na lang, na siya naman talagang ‘normal’ na tanawin sa klase ng sport team na kanyang sinalihan.

Pero in fairness daw mga besh, mahusay maglaro si showbiz celebrity ha at dahil sikat siya, sa kanya ina-attribute ang bonggang attendance ng mga manonood. ‘Yun na, pintahan na!