Abante Tonite Interactive

Sports Media Center sinasabotahe

By
3,324

Hindi naman nag-blackout, subalit biglang nawalan ng kuryente ang bahagi ng Rizal Memorial Coliseum Huwebes nang gabi kung saan nakakabit ang linya na nakakonekta ang Media Center na ginagamit ng mga sportswriter.

Buong sports complex ay nananatiling may kuryente maliban lamang at namumukod tangi ang Media Center.

Maayos sa matagal na panahon nang nakaka­bit at walang aberyang nagaganap sa kuryente ng Medi­a Center na nasa gilid lamang ng basketball court ng Rizal Memorial Coliseum bago na magana­p ang kaduda-dudang pagkawala ng kuryente habang gumagawa pa ng kanilang istorya ang dalawang sportswriter.

Agad na ipinaalam ng dalawang sportswriter ang pagkawala ng kuryente sa mga naka-duty na baguhang security guard upang maimbestigahan kung bakit tanging sa parte lamang ng Media Center nawala ang daloy ng kuryente.

Ilang segundo na nagbalik ang kuryente matapos na asikasuhin ng mga security guard subalit agad ding namatay bago tuluyang nawala.

Ipinaalam ng guard na may nagbaba ng switch at noong ibinabalik na ay nasira at may mga pu­mutok na bahagi na naging sanhi upang tuluyang mawalan ng kuryente. Nakakapagduda ang mga dahilan bakit kailangan na ibaba ang switch habang maayos itong gumagana at wala namang iniuulat na diperensiya.

Malaking katanungan din kung bakit hindi inire-­report kung may sira ang mga linya ng kuryente na posibleng maging sanhi ng sunog sa pasilidad.

Una nang isiniwalat ng BLIND SIDE ang mga nagaganap na mga milagro pagkalampas ng office hours sa nasabing pasilidad bago na lamang naganap ang pagkawala ng kuryente sa MEDIA CENTER na nakatuon marahil para hindi makapagsulat ng mga katiwalian ang mga ­manunulat.