Abante Tonite Interactive

Sports official tirador ng donasyon

1,226

Madalas umuulan ng donasyon o may ibinibigay na mga promotional item mula sa host na bansa kapag nalalapit ang pagganap ng isang malaking multi-sports event gaya sa palapit na 2018 Asian Games sa Indonesia.

Isa ang ‘Pinas bilang miyembro ng National Olympic Committee (NOC) sa nabibiyayaan ng mga ibinibigay na mga tulong ng host country o maging mula internasyonal na asosasyon hindi lamang pinansiyal kundi pati na iba’t bang kagamitan o mga kasuotan mula sa mga nag-iisponsor na produkto.

Matagal na itong ginagawa ng mga malala­king internasyonal na asosasyon subalit hindi napapakinabangan ng mga pambansang atleta o maski mga coach at national sports association (NSA) dahil hindi nakakarating sa kanila ang dapat na parte ng Pilipinas sa mga donasyon at padalang tulong.

Ilang Olympics, Asian Games at SEA Games ang dumaan subalit kahit mga dapat na ipinamamahaging souvenir item para sa publisidad ng nasabing mga giant multi-sports tournament ay ‘di man lang naipapamahagi.

Ang siste, kung hindi sa mga kamag-anak napupunta ang mga souvenir na tulad ng t-shirt, pin at cap ay diretso na ito sa bodega o sa personal na kapakinabangan ni sports official.

Pintahan na, mula sa maimpluwensiyang angkan si sir at matagal na kapit-tuko sa kanyang puwesto.

Mayroong siyang letter ‘G’ sa kabuuan ng kanyang pangalan, ‘G’ as in gahaman.