Abante Tonite Interactive

Sports pinababalik ni Trump, mga lider nagtaingang kawali

440

Kinausap ni President Donald Trump ang ilang US pro sports leaders hinggil sa impact ng coronavirus, sinabing inaabangan na niya ang pagpapatuloy ng mga kinanselang laro.

“I want fans back in the arenas,” pahayag ni Trump sa briefing sa White House. “I think it’s … whenever we’re ready. As soon as we can, obviously.”

Aniya, gusto na ring bumalik sa panonood ng kumpetisyon ang fans.

“They want to see basketball and baseball and football and hockey. They want to see their sports. They want to go out onto the golf courses and breathe nice, clean, beautiful fresh air,” dagdag ng American Chief Executive.

Ang susunod na NFL season ay sa Sept. 10 pa, posibleng magsimula sa schedule.

Ayon sa ulat ng The Associated Press, kasama sa call sina commissioners Adam Silver ng NBA, Gary Bettman ng National Hockey League, Roger Goodell ng National Football League, at Rob Manfred ng Major League Baseball. Kaya lang, walang liga na nag-release ng comment.

“We have to get back,” giit ni Trump. “Remember that. We have to get back and we have to get back soon.” (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad