Abante Tonite Interactive

Sports tuloy sa Visayas kahit may COVID-19

0 211

Problema pa rin ng bansa ang Corona Virus Disease (COVID-19) outbreak dahil patuloy na nakakansela ang mga sports event lalo na sa Metro Manila.

Sapul din ng Chinese virus ang may halos may 80 iba’t-ibang grassroots sports programs sa Visayas na idaraos ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Sports Institute (PSI) kaya irere-schedule pa.

Pinanayag ni PSC Commissioner Ramon Fernandez na target nilang ipagpatuloy ang kanilang programa sa grassroots sa July.

”We are playing it by ear with the recent situation in the country. But definitely, the PSC is ready to proceed,” saad ng former Philippine Basketball Association four-time Most Valua­ble Player.

Ang 30 editions ng UNESCO-recognized Children’s Games ang una sa listahan na gaganapin sa cities at municipalities ng western, central at eastern Visayas, kung saan may pito pang editions ng Consultative Planning & Coaching Certification sa Negros Occidental, Cebu at Southern Leyte.

Tatanggap ang mga batang athlete ng Aklan, Bohol at Samar ng Talent Identification programs, kasama ang Sports Journa­lism Seminar para sa campus sports writers.

“We want to capitalize in bringing sports to the youth sector of the region and raise awareness among children and parents of sports,” dagdag ni Fernandez.

Isa sa mga tampok sa event ang Coastal Children’s Games sa Limasawa, selebrasyon na rin para sa ika-499 taon ng lugar. (Elech Dawa)