Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sportswriter Armero, 59

0 74

Yumao nitong Lunes, Pebrero 22, sa edad ng 59 si Manila Standard deskman/sportswriter Arman D. Armero dahil sa karamdaman sa puso at sa bato.

Inulila ni niya ang kanyang anak na si Aaron Cham, ina na si Nena at mga kapatid na sina Adamar, Ernesto, Emily at Wilhelmina.

Nagsimula ang karera ni Armero bilang radio talent at copywriter, sa media bilang assistant sports editor ng People’s Tonight noong 1991sa panahon ng Manila Southeast Asian Games at nagsumite ng early retirement sa Journal Group of Publications taong 2002.

Siya’y nagsilbi ring assistant sports editor sa Manila Standard noong 2005 bago nalipat sa desk makalipas ang isang dekada.

Naging pangulo rin si Armero ng Lyceum Journalism Society noong 1984 at literary editor ng The Lyceum mula 1983 hanggang 1985. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.