Abante Tonite Interactive

Spurs kailangan nang mag-rebuild

316

Nitong nakaraang linggo lang isinabit na ang jersey ni Spurs legend at 4-time NBA champion Tony Parker sa AT&T Center sa San Antonio.

Sa pamumuno ni coach Gregg Popovich, naging successful ang Spurs franchise.

Simula 1998, taon-taon nang pumapasok sa playoffs ang Spurs at nagkakampeon pa. Sila’y may 22 consecutive playoff appearances.

Ngayong 74th NBA season kaya’y papasok pa sila?

Mabagal ang kanilang simula ntangan ang 5-10 win-loss record, nasa ika-14 sa Western Conference, angat sa ilang taong namayagpag sa liga na Golden State Warriors, na may 3-13 record.

Kasalukuyang may 7-game losing streak ang Spurs, ito ang pinakamahabang olats ni Popovich sa Spurs.

May ugong-ugong naman na balak nilang i-trade ang dalawa nilang all-star na sina LaMarcus Aldridge at DeMar DeRozan.

Dapat nga bang bitiwan ang dalawa?
Si DeRozan ang bumubuhay sa opensa ng Spurs ngayon, na kilala sa magandang pag-ikot ng bola. Nag-a-average siya ng 21 ppg sa 50% shooting.

Habang si Aldridge nama’y naki-criticize dahil sa pagiging inconsistent.
Dahil sa isang laro laban sa OKC Thunder, kumana siya ng 39 points habang sa laban kontra Boston Celtics ay meron lang i3 pts.

Sa aking palagay, walang masama sa nangyayari kay Aldridge. ‘Di masisisi ang isang player kung may ‘off-night’ talaga.

Ngunit kung sila’y magre-rebuild mabuti pa ring may mga beterano sa isang koponan.
***
Kung kayo po ay may reaksiyon o nais itanong, mag-email lamang po sa alecpaolo2016@gmail.com.

Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais nang gabi sa Abante News Online.
Maraming salamat po!