Abante Tonite Interactive

Spurs nirapido ni Ingram ng Lakers 

By ,
984

Kulang sa tao ang San Antonio Spurs, pinagbayad sila ni Brandon Ingram at ng Los Angeles Lakers.

Umiskor si Ingram ng 26 points, nagdag­dag si Lonzo Ball ng 18 points, 10 rebounds at six assists, at hinagupit ng Lakers ang Spurs 93-81 Huwebes ng gabi.

Kinalsuhan ng La­kers ang seven-game losing streak kontra Spurs sa Staples Center sa 72nd NBA 2017-18 elims game.

Umayuda si Larry Nance Jr. ng 14 points at 10 rebounds sa Los Angeles.
Umariba ang Lakers ng 23-5 run sa umpisa ng laro tungo sa 37-18 lead.

Nakabalik ang Spurs, pero muling kumalas sa fourth ang Lakers para kolektahin ang pangatlong sunod na panalo.