Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sputnik V pinilahan sa Parañaque

0 227

Kung itutulad sa pelikula, maituturing umanong “blockbuster” ang pilot rollout ng bakunang Sputnik V sa Parañaque City.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Vaccine Czar secretary Carlito Galvez na mainit na tinanggap ng mga taga-Parañaque ang bakunang nagmula sa Russia dahil pinilahan ang rollout nitong Martes.

Kinailangan pa aniyang magpadala ng dagdag na batch ng Sputnik V supply dahil marami ang pumila para maturukan ng nabanggit na bakuna.

“We can say this is a very successful one.We are very happy that the uptake of Sputnik V is so high na iyong supposed to be 1,000 lang yung ide-deliver natin ngayon, we need to have an emergency storage ng another batches kasi nakita namin na talagang overwhelming iyong reception ng mga taga-Parañaque,” ani Galvez. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.