Abante Tonite Interactive

Squasher Aribado hahampas sa Tate

By
155

Solong bet ng Pilipinas si Jemyca Aribado sa US$28,000 Bahl and Gaynor Cincinnati Cup 2019 sa Cincinnati Country Club sa Cincinnati, Ohio, United States sa Pebrero 6-10.

Ayon kahapon kay Philippine Squash Academy President Robert Bachmann, unang international exposure ito ng top lady professional squash player ng bansa bilang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa darating na Nobyembre 30-Disyembre 11 sa bansa.

“Ok babe. Good luck on all your matches. Plural ‘yan ok? Di lang dalawa o tatlo, dapat maramihang!” post ni Bachmann sa FB account kanyang 25-year-old Taguig native squasher at single mom, na lumipad pa-Tate noong Pebrero 2.

Unang makakahambalusan ng World No. 79 Pinay sa 5-day, 24-player, 15-nation meet si World no. 51 Rachel Arnold, 22, ng Malaysia sa Miyerkoles, Huwebes sa Manila time.