Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Squid Game trending sa ‘Pinas

0 121

Ang pinag-uusapang Korean series na “Squid Game” na isang Netflix original at trending sa Netflix Philippines. Ni-release lang ito worldwide noong September 17 ng taong ito.

Hindi na kami magtataka kung hindi lang sa Pilipinas na Asian countries o ibang bansa nagta-top 1 ngayon ang Squid Game dahil noong September 21, maging sa U.S. Netflix, Top 1 ang ranking nito na inulat sa U.S. Today.

Ang Squid Game ang highest record na naitala ng isang Korean drama sa Netflix na makakuha ng Top 1. Susunod na lang dito ang highest record ng Korean sa Netflix na “Sweet Home” ,ag-Top 3 trending ito sa America noong ipalabas.

Ang Squid Game ay hindi typical or stereotype na K-drama. It’s a survival game series na base sa mga nakapanood na, parang napaka-realistic daw talaga at “must watch.”

Kuwento ito ng 456 na taong nagkakaroon ng struggle financially. Naimbitahan na sumali sa isang mysterious survival competition. Magko-compete lang sila sa isang children games, pero may deadly twists.Talagang mailalagay sa alanganin ang kanilang buhay.

Bongga naman ang premyo dahil ang mananalo ay makatatanggap ng premyo worth 45.6 billion Korean won o US$38.5 million.

Nine episodes lang ito kaya sa talagang sanay na mag-marathon ng mga k-drama o series sa Netflix, puwede talagang isang upuan lang.

Ang director ng Squid Game ay si Hwang Dong Hyuk. Kilala siya sa kanyang movie na ‘The Crucible (Silenced) at comedy film na ‘Miss Granny’ na ginawan din ng adaptation sa Pilipinas ng VIVA Films.Pinagbidahan ito ni Sarah Geronimo.

Ilan sa mga Korean actors/actress na bida sa Squid Game ay sina Lee Jung Jae, Park Hae Soo, Oh Young Soo, Wi Ha Joon, Ha Sung Tae, Lee Yoo Mi at marami pang iba.

Leave A Reply

Your email address will not be published.