Abante Tonite Interactive

Sr. Belardo ng rural missionaries kinasuhan sa panloloko

520

Sinampahan ng kasong perjury ng Quezon City Prosecutor’s Office ang isang madre na opisyal ng isang grupo ng mga rural missionary sa bansa na batay sa militar ay nag-solicit ng pondo mula sa mga international organization para sa indoctrination mg mga recruitment school ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Nabatid na noong Nobyembre 8 ay inutos ni Senior Assistant City Prosecutor Nilo Peñaflor ang pagsasampa ng kaso laban kay Sr. Elenita Belardo, national coordinator ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP).

Si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang unang naghain ng reklamong perjury kung saan sinabi nito na nagsinungaling umano ang mga opisyal ng RMP sa kanilang isinampang petition of amparo at habeas corpus sa Court of Appeals (CA).

Binasura kalaunan ng CA ang petisyon.

Sabi ng prosecutor, sa petisyong inihain sa CA ng mga kilalang front group ng CPP-NPA, si Belardo diumano ay ‘knowingly made untruthful statements under oath’ nang sabihin nitong isang duly-registered non-stock, non-profit organization ang RMP.

Binanggit ng prosecutor na pinawalang bisa na ang certificate of registration ng RMP noon pang Set­yembre 29, 2003. (PNA)