Abante Tonite Interactive

Sr. supt. na binibidang kaibigan si Presidente Duterte, kinompronta ni Albayalde

By
0 439

Alam niyo bang pinahiya ni PNP Chief Oscar Albayalde sa harap ng maraming tao ang isang mayabang umanong opis­yal ng PNP na madalas ibidang malapit siya kay Pangulong Duterte.

Ayon sa aking bubwit, nag-ugat ang pagkabanas ni Alba­yalde sa sr. supt. nang minsang sabihin nito na ipatatanggal niya ang PNP chief kung tutulugan ang paglipat niyang hepe sa isa sa pinakamalaking lungsod sa Metro Manila.

Ayon sa aking bubwit, bago napunta sa isang investigative office ng PNP ay nadestino rin si Sr. Supt. Sa Davao City na hometown ni Pangulong Duterte. Dito sila nagkakilala ng Presidente at naging malapit sa isa’t isa, ang Presidente na matagal na panahong mayor ng Davao at si Sr. Supt. na nadestino namang hepe ng pulisya sa lungsod.

Ayon sa aking bubwit, matagal nang ambisyon ni Sr. Supt. na maging hepe ng ‘makatas’ na district at inawit niya talaga sa kaibigan niyang dating mayor na presidente na ngayon ang makatas na district.

Related Posts

Kaya lang, sabi ng aking bubwit, hindi agad nangyari ang gusto ni Sr. Supt. at naantala ang pag-alis niya sa Crame patungo sa puntiryang distrito.

Dito sya nairita kay Albayalde, hinala niya ay tinulugan ng PNP chief ang paglipat niya at isang ilang okasyon ay naririnig na sinasabi niyang pag naasar siya sa chief PNP ay ipatatanggal niya ito sa presidente.

May pakpak ang balita at nakarating kay Albayalde ang sinasabi ni Sr. Supt. kaya nang minsan silang magkita sa Crame ay bigla siyang hinarap at nagtaas ng boses ang chief PNP at sinabing, “ano ipatatanggal mo raw ako? Huwag mo kong niloloko ah.” Nagulat ang mga opisyal at guest na nakarinig sa sinabi ng PNP chief habang si Sr. Supt. naman ay todo-tanggi at sumagot na, “sir sir hindi naman ganu’n.”

Ang district na ina­wit ni Sr. Supt. sa Presidente ay area ng mga tsinoy.