Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SRP ng DTI pantasya lamang

0 184

Mananatiling pantasya na lang umano ang ang mga suggested retail price o SRP sa pagkain na sana’y pinatutupad ng Department of Trade and Industry (DTI), dahil sa paglaganap ng sakit sa mga babuyan sa Luzon at sa maaring pagtagal ng sobrang lamig na panahon sa mga taniman ng gulay sa Norte.

SM food to go Banner Ad

“Mahihirapan ang DTI na ipatupad ang mga SRP sa baboy at gulay dahil sa `di matapos-tapos na African Swine Fever (ASF) at pagyeyelo ng hamog sa mga taniman ng gulay lalo na sa Benguet,” ayon kay Senador Imee Marcos, chairperson ng Senate committee on economic affairs,

Dahil dito, hinikayat naman ni Marcos ang Department of Agriculture na ibigay lahat ng suporta sa mga magbababoy at maggugulay sa Visayas at Mindanao, habang sinisikap ng Luzon na gawan ng paraan ang kakapusan sa pagkain at pagtaas ng presyo nito sa mga susunod na linggo. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.