Abante Tonite Interactive

SSS, DENR rampa na sa UNTV

161

Mga laro bukas:

(Pasig City Sports Center)

2 p.m. – DENR vs GSIS

3:30 p.m. – Ombudsman vs SSS

5 p.m. – NHA vs PNP

Matatasahan na ang Social Security System at Department Environment and Natural Resources sa kanilang binyag bukas, Linggo sa magkahiwalay na mga oposisyon sa 8th UNTV Cup 2019 men’s basketball tournament sa Pasig City Sports Center.

Papagitna ang DENR Warriors kontra Government Service Insurance System Furies sa alas-2 ng hapon bago masilayan ang SSS Kabalikat kontra Ombudsman Graft Busters sa alas-3:30 ng hapon.

Pero mas tutok ang marami sa alas-5 ng hapong engkuwentro ng Philippine National Police at National Housing Authority – dalawang kampong gigil makabalik tapos mangabigo sa titulo ng taunang torneong prisintado ng UNTV sa pangunguna ng kanilang CEO at President Dr. Daniel Razon.

Pamumunuan ni former University of the East player Ollan Omiping, desidido ang PNP Responders na mabawi ang titulong nasakote tatlong taon na ang nakalilipas, habang todo sa edisyong ito ang NHA Builders pagkatersero sa nakalipas na taon.

Ang mga papalaring team sa tatlong sultada ang mga sasalo sa maagang liderato sa Armed Forces of the Philippines na inumpisahan ang paghahangad na maidepensa ang trono sa pagtambang sa Philippine International Trading Corporation, 90-70, sa tanging laro sa pagbubukas ng torneo nitong Lunes.

Gaya sa nakaraang dalawang taon, magsusubi ang season champoion ng P4M, ang runner-up ay may P2M, ang tersero’t pang-apat ay may P1M at P.5M, ayon sa pagkakasunod.

Hinayag ni Razon na lahat ng mapapanalunang papremyo’y idodonasyon sa mapipili nilang mga institusyon.

Hinandog ng AFP Cavaliers, umaasam ng fourth title, ang kanilang P4M sa AFP Educational Benefits System Office bilang dagdag pondo para edukasyon ng mga anak nang namayapang mga sundalo. (Aivan Denzel Episcope)

14 UNTV Omiping caption:

Isa sa inaasahang aangas para sa Philippine National Police si dating University of the East player Ollan Omiping sa pagpapatuloy bukas ng 8th UNTV Cup 2019 men’s basketball tournament eliminations sa Pasig City Sports Center.

14 TIRA ALAHOY KOLUM

Alec Paolo Ventocilla