Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SSS dinagsa ng mga aplikante sa P5-8K cash aid

0 141

Bumigay ang website ng Social Security System (SSS) matapos na dagsain ito ng aplikasyon para sa Small Business Wage Subsidy (SBWS).

Ito ang programang magbibigay ng P5,000 hanggang P8,000 na ayuda kada buwan sa mga empleyado ng maliliit na negosyo na nalugi mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine para pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang SSS ang pension fund para sa mga manggagawa ng pribadong sector subalit pamahalaan ang nagpapatakbo nito. Ang mga binabayad na kontribusyon ng mga miyembro nito ay pinaghahatian ng kompanya at ng manggagawa maliban na lang sa mga self-employed at voluntary member.

Sa tweet ng SSS kahapon, Abril 19, sinabi ng ahensya na nag-downtime ang kanilang website noon pa lang Abril 18.

“While we expected higher online traffic due to the launch of the Small Business Wage Subsidy, the overwhelming response to this program surpassed the computing capacity of the system,” sabi ng SSS.

Kasalukuyang ina-update na ng SSS ang kapasidad ng website para matapatan ang dami ng pumpupunta rito.

Dagdag pa nito, magpapadala sila ng email para sa mga ibang paraan sa pagsusumite ng aplikasyon ng mga eligible employer na sumusunod sa mga regulasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng SSS.

Humingi ng paumanhin ang SSS sa pangyayari at ihahayag nito sa publiko kapag pwede na uli ma-access ang kanilang website. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.