Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SSS dinemanda higit 11K employer

0 286

Umabot na sa 11,243 na mga employer ang kinasuhan ng Social Security System hanggang noong Hunyo 2021 dahil sa hindi pagsunod ng kanilang mga ligal na obligasyon sa pension fund.

Pinaalala kahapon ng SSS sa lahat ng employer na obligasyon nilang irehistro ang kanilang mga negosyo at i-report ang mga tauhan. Pananagutan din nilang ibawas ang kontribusyon ng empleyado sa SSS at bayaran ito sa ahensiya pati an gang loan payment ng kanilang mga tauhan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni SSS president at chief executive officer Aurora Ignacio, responsibilidad ng mga employer na siguruhing nasusunod ang obligasyon nila sa ahensiya at sa kanilang mga tauhan kahit pa may pandemya.

Paalala ng SSS na may parusa sa mga employer na hindi sumusunod sa kanilang mga obligasyon katulad ng multa na hanggang P20,000 at maaari pang samahan ng pagkabilanggo sa loob ng 12 taon. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.