Abante Tonite Interactive

SSS inupakan sa pagbitin ng P1K pension hike

0 1,418

Inupakan nina Bayan­ Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna Chairman Neri Colmenares ang plano ng Social Security System (SSS) na ibitin ang pagpapatupad ng second tranche ng karagdagang P1,000 pensyon para sa susunod na taon.

“Malaki na nga ang nabawas sa dagdag isang libong SSS pension hike dahil sa pagsirit ng presyo ng mga bilihin bunsod ng TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law tapos ngayon ay babaratin na naman ang mga pensioner. The SSS board is gravely insensitive if they push through with this plan,” pahayag ni Zarate.

Himutok pa ni Zarate, masigasig ang SSS board na itaas ang premium, sa katwirang madadagdagan ang benepis­yo kung iaa­ngat ang kontribusyon ng mga miyembro pero tahimik naman ang mga ito kung ano ang kanilang gagawin para maitaas ang koleksyon nang wala nang pagta­taas sa kontribusyon.

Reklamo naman ni Colmenares, nanatiling mababa ang suweldo pero patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. ()